MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte nitong Miyerkoles kaugnay ng umano’y “welfare check” na isinagawa ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa The Hague kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Sara, ipinaabot ng Malacañang na pumasok ang mga opisyal sa detention unit ng kanyang ama “under the false pretense of conducting a welfare check” at nagsumite ng ulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “The officials clearly abused the rule of the detention unit concerning consular visits,” aniya.
Binalaan niya na maaaring malagay sa peligro ang buhay ng dating pangulo dahil sa ganitong aksyon, at iginiit na halos araw-araw ay may dumadalaw na kaanak upang tiyakin ang kanyang kalagayan. “If such sham ‘welfare checks’ are allowed to continue, then the ICC and the Philippine Government must be prepared to answer… including, should the worst happen, his death in custody,” dagdag niya.
Tinawag pa niya itong “orders of President Marcos disguised as consular functions,” at iginiit: “FPRRD does not need you, our family will take care of him.”
Naaresto si Duterte sa Pilipinas noong Marso batay sa warrant ng ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng umano’y extrajudicial killings sa war on drugs. RNT