Home HOME BANNER STORY Ex-Finance chief: P1,000 at P500 bills, alisin na para iwas-korapsyon

Ex-Finance chief: P1,000 at P500 bills, alisin na para iwas-korapsyon

291
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si dating Finance Secretary Cesar Purisima nitong Miyerkoles na alisin ang ₱500 at ₱1,000 bills upang makatulong laban sa korapsyon, at bawasan ang pinakamalaking denomination sa ₱200.

Giit ni Purisima, mas mapapamahal at magiging abala ang pagtatago ng nakaw na pera kung mas maliit ang halaga ng bawat bill.

Binigyang halimbawa niya ang alegasyon na ₱1 bilyon ang dinala sa isang hotel penthouse gamit ang maleta.

“Now imagine if the largest bill in circulation were only ₱200. That same ₱1 billion would have needed 100 suitcases, a convoy of vehicles, and a warehouse just to store the cash… The sheer impracticality would make this kind of corruption much harder to hide,” aniya sa Facebook post.

Lumabas ang pahayag matapos ihayag ng dating DPWH engineers na bilyong pondo sa flood control ang napunta kay Rep. Elizaldy Co.

Kaugnay nito, nagtakda ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng ₱500,000 daily limit sa over-the-counter cash withdrawals bilang bahagi ng hakbang laban sa money laundering na konektado sa nasabing anomalya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here