Home HEALTH WHO: Bilang ng kumokonsumo ng tabako bumaba

WHO: Bilang ng kumokonsumo ng tabako bumaba

MANILA, Philippines- Bumaba ang bilang ng mga taong gumagamit ng mga produktong tabako, na siyang pangunahing sanhi ng mga sakit sa paghinga pati na rin ang mga cardiovascular ailment mula 1.26 bilyon noong 2020 hanggang 1.24 bilyon noong 2022, ayon sa datos mula sa World Health Organization (WHO).

Sa inisyatiba ng ahensya ng UN, ipinagdiriwang kada taon ang World Stop Smoking Day tuwing Pebero 9 upang makatulong na maiwasan ang pinsala mula sa paninigarilyo, bawasan ang paggamit nito, at itaas ang kamalayan sa lipunan.

Habang humigit-kumulang 1.26 bilyong tao sa buong mundo ang gumamit ng mga produktong tabako noong 2020, bumaba ang bilang na ito noong 2022 sa 1.24 bilyon.

Sa ulat ng WHO, posibleng higit pa ang pagbaba sa mga mamimili ng tabako, kung saan inaasahang ang bilang ng mga gumagamit ng mga produktong tabako sa buong mundo ay bababa sa 1.22 bilyon sa 2025.

Sa mga rehiyon sa mundo, natuklasan ng WHO na ang Southeast Asia ang lugar na may pinakamataas na pagkonsumo ng tabako noong 2022.

Nasa 411 milyong katao ang gumagamit ng mga produktong tabako sa Timog-Silangang Asya, sinundan ng Kanlurang Pasipiko na may 370 milyon, Europa na may 179 milyon, ang Amerika na may 133 milyon, Eastern Mediterranean na may 92 milyon, at Africa na may 60 milyon.

Natuklasan din na humigit-kumulang 224 milyon sa halos 1.24 bilyong tao sa buong mundo na gumagamit ng mga produktong tabako noong 2022 ay mga kababaihan.

Ayon sa WHO, higit sa 8 milyong tao ang namamatay bawat taon dahil sa pagkonsumo ng tabako.

Apektado rin ng usok ng sigarilyo ang mga taong hindi gumagamit ng mga produktong tabako.

Base sa WHO, mahigit 8 milyong indibidwal ang namamatay kada taon dahil sa pagkonsumo ng tabako.

Bagama’t bumababa ang bilang ng mga taong kumokonsumo ng mga produktong tabako, ang paggamit ng electric cigarettes, na nahahati sa nikotina at hindi nikotina, ay nagiging mas laganap sa buong mundo.

Nagbabala ang mga eksperto sa paggamit ng e-cigarettes, na maaaring magamit upang akitin ang mga nakababatang mamimili at nagdudulot din ng banta sa kalusugan ng tao.

Ayon sa datos ng WHO, sa 88 bansa ay walang minimum legal age para sa pagbebenta ng mga elektronikong sigarilyo.

Sa 74 na bansa, walang legal na regulasyon para sa mga produktong ito.

Ang pagkonsumo ng mga device na ito, na nag-aalok ng mga 16,000 flavor, ay mabilis na tumataas sa mga bata at kabataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSenglot timbog sa pagmolestiya sa PWD!
Next articlePagtalima sa Anti-Mendicancy Law inihirit ng DSWD