Home LIFESTYLE HEALTH WHO: Ebola outbreak sa Congo, mabilis kumakalat; “very high” risk, itinaas sa...

WHO: Ebola outbreak sa Congo, mabilis kumakalat; “very high” risk, itinaas sa bansa

82
0

BUNIA, Congo – Sinabi ng World Health Organization (WHO) na mabilis na kumakalat ang Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo at itinaas na sa “very high” ang risk level sa loob ng bansa, dahil sa kakulangan ng medical resources at mga hamon sa operasyon sa isang conflict-affected na rehiyon.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nananatiling “low” ang risk ng global spread, ngunit in-update ng WHO ang risk assessment sa loob ng Congo mula sa dating “high” patungo sa “very high.”

Iniulat ng WHO na may 82 confirmed cases at pitong kumpirmadong pagkamatay, ngunit tinatayang “much larger” ang aktwal na outbreak. May humigit-kumulang 750 suspected cases at 177 suspected deaths.

Ipinapadala na ang mga suplay sa Ituri province sa hilagang-silangang bahagi ng bansa, kung saan nahihirapan ang mga health worker dahil sa kakulangan ng kagamitan at mga hamon tulad ng misinformation at tensyon sa mga tradisyunal na ritwal gaya ng libing.

Ayon sa mga ulat, isang Ebola treatment center sa Rwampara ang sinunog ng mga kabataang nagalit matapos hindi payagang kunin ang bangkay ng kaibigan na hinihinalang namatay sa Ebola.

Sinabi ng WHO at Africa CDC na posibleng mas malaki pa ang outbreak kaysa sa naitala, at patuloy ang pagtaas ng kaso habang humihigpit ang surveillance. Nasa ilalim din ng matinding pressure ang health system dahil sa kakulangan ng kagamitan, displacement ng mga tao, at patuloy na kaguluhan sa lugar.

Naglaan ang United Nations ng $60 million mula sa emergency fund, habang nangako rin ang Estados Unidos ng $23 million na tulong para palakasin ang Ebola response sa Congo at Uganda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here