Home ENTERTAINMENT Wilbert, hindi iniwan si Herlene!

Wilbert, hindi iniwan si Herlene!

Screenshot

Manila, Philippines – Matagal nang nag-disengage ang pilantropo at sikat na socmed personality na si Wilbert Tolentino sa isa sa kanyang mga talents na si Herlene ‘Hipon’ Budol pero true to his word ay hindi pa rin niya iniiwan ang kommedyana.

Recently, sa pagha-house to house ng Ahon Mahirap sa Bgy. 49 Tondo kung saan first nominee si Wilbert ay kasama niya si Herlene.

Kapansin-pansin na hindi diretso maglakad si Herlene at may iniindang sakit sa kanyang paa pero present pa rin si Herlene at naglakad ng mahaba sa nasabing event.

Patunay lang ito na walang iwanan ang dalawa at magkasama pa rin sila kahit na wala na silang talent-manager relationship.

FYi, karamihan kasi sa mga maghihiwalay na talent at manager sa industriya ay madalang na makitang magkasama pero kakaiba nga ang relasyon nina Wilbert at Herlene.

Anyway, kamakailan lang ay namigay si Wilbert ng P500K, P100K at P50K sa mga nagwagi sa kanyang 49 day challenge.

Naging emusyonal ang awarding ng cash prize dahil lahat ng mga nagwagi ay kumpirmadong mahihirap at talagang namgangailangan. JP Ignacio