Home ENTERTAINMENT Willie, may puna sa mga senador, nawalan nang gana sa pulitika!

Willie, may puna sa mga senador, nawalan nang gana sa pulitika!

108
0

Manila, Philippines – Was Willie Revillame saying that with finality?

Ang tinutukoy namin ay ang pahayag ng returning TV host na wala na raw siyang interes pang pumalaot sa larangan ng pulitika.

Sa panayam sa kanya ni Gretchen Ho, naging paksa ang political entry ni Willie: ‘yun pa rin ba ang kanyang stand hanggang ngayon?

Matatandaang Willie changed his mind last minute when he didn’t pursue his dream to run in the Senate in the 2022 national elections.

Ano ka’t nagbago na naman ang kanyang desisyon early this year, saying na handa na raw siya para sa pagsabak sa pulitika.

This time around though ay nagbago na naman ang isip ng TV host.

Aniya, nawalan na raw siya ng gana.

Nang tanungin kung bakit, ang ibinigay na dahilan ni Willie ay ang napapanood niyang mga hearing sa Senado.

Naagaw ng kanyang pansin ang mga bangayan ng mga mambabatas ukol sa mga mahahalagang kaso.

Hindi raw maimadyin ni Willie kung pinalad siya sa minimithing elective post, ano raw kaya ang gagawin niya kung ganoon ang scenario sa Senado?

Kinuwestyon ni Willie ang mga mismong kandidato tuwing sasapit na ang kampanya.

Sama-sama raw kasi ang mga ito, united kung titingnan.

Panay bitaw ng kanilang mga pangako kung sakaling iboboto ng taumbayan.

Pero kapag nahalal at nakaupo na ay nagbabago na.

It will be recalled na si noo’y Pangulong Duterte ang kumukumbinsi kay Willie na tumakbong senador dahil sa mga naitutulong nito sa ating mga mamamayan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here