Home ENTERTAINMENT Willie, nadulas, binisto ang mga anak nina Coco at Julia!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Willie, nadulas, binisto ang mga anak nina Coco at Julia!July 18, 2024 16:361070 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines Wil to Win ba ang pamagat ng nagsimula nang daily show ni Willie Revillame sa TV5, o “Wil to ‘Amin”?Hindi kasi sinasadyang nadulas si Willie nang pasalamatan niya si Coco Martin sa video greeting nito.Naganap ito sa “pa-wilcome” party kay Willie bago ang regular telecast ng Wil to Win na nagsimula nu’ng July 15.Binati kasi ni Coco ang returning TV host via a message on video saying na marami na namang mga kababayan natin ang tiyak na matutulungan nito.Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng publiko na isa ring public service ang programa ni Willie.Nang matapos umere ang video message ni Willie ay nagpasalamat ito: “Thank you, Tanggol (pangalan ni Coco sa Batang Quiapo). Thank you, Coco!”Pinansin din ni Willie na bumagay kay Coco ang bangs nito: “I love your bangs!”Saka pinuri pa ni Willie ang aktor: “Napakabait talaga ‘yang si Coco.“To Julia at sa mga anak n’yo, maraming salamat!”Hindi naman kinakitaan ng pagkabigla si Willie pagkasabi niya ng “sa mga anak n’yo.”Matatandaang November 2023 nang iulat ni Cristy Fermin na dalawa na umano ang bunga ng relasyon nina Coco at Julia.Apat na taon na raw ang panganay nilang babae, samantalang 2 years old naman ang sumunod na lalaking anak.Sa kabila ng lantaran nilang pagpapakita ng sweetness, walang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Coco at Julia tungkol sa kanilang relasyon.Tanging si Willie lang ang nagbuking! Ronnie Carrasco III