Home ENTERTAINMENT Willie, nag-back out sa pulitika!

Willie, nag-back out sa pulitika!

Manila, Philippines – Final answer: hindi na papasukin ni Willie Revillame ang pulitika!

Ito ang latest na ulat na inihatid ni Cristy Fermin sa kanilang SNN online program.

Quoting her sources, napagdesisyunan daw ni Willie na umatras sa pagtakbo bilang senador sa 2025 mid-term elections.

Matatandaang nitong Enero, before a crowd of Davaoeños in Davao City ay ipinahayag ng TV host na handang-handa na raw siyang sumabak sa pulitika.

National/local elections 2022 nang nililigawan si Willie ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbong senador.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng pinakamataas na pinuno ng bansa ang kawanggawa ni Willie sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin.

Dahil sa pag-atras na niya sa pulitika, ayon kay Cristy ay mas tututukan na lang daw ni Willie ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Napaulat nang magbabalik ang programa niya sa TV5.

Balitang mapapanood ito pagkatapos ng Eat Bulaga.

Dagdag pa ni Cristy, dapat daw ay noong isang linggo pa nagkapirmahan ng kontrata, dangan nga lang at marami pang isinasaayos na rekotitos.

Pero tuloy na tuloy na raw ang contract signing sa isang linggo.

Sa ngayon ay inaayos pa ng produksyon ang lalamanin ng programa dahil may ilang pagbabago ito.

Kung matatandaan din, nakapagbitiw ng salita si Cristy na walang botong aasahan si Willie sa kanya kung tatakbo siya bilang senador. Ronnie Carrasco III