MANILA, Philippines – Hindi pa rin nakakapaghain ng kanyang withdrawal of candidacy si Dr. Willie Ong, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hinihintay pa rin nila ang opisyal na pag-atras ni Ong na ngayon ay nakaratay sa kanyang karamdaman.
Noong Pebrero 13, inanunsyo ni Ong sa social media ang kanyang pag-withdraw sa senatorial race at tututok na lamang sa kanyang kalusugan kung saan sumasailalim sa mga pagsusuri at treatment sa kanyang abdominal cancer.
Sinabi ni Garcia, dahil sa karamdaman ni Ong ay inaasahan nilang magpapadala ng kinatawan para mag-withdraw.
Naghain ng COC si Ong sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si Liza noong Oktubre 3, 2024.
Si Ong ay unang sumabak sa pulitika noong 2022 presidential elections kung saan siya ang naging vice president candidate ng noo’y presidential cadidate Isko Moreno Domagoso. Jocelyn Tabancgura-Domenden