Home NATIONWIDE Alvarez dumipensa sa batikos ng kapwa solons sa inihaing reklamo vs Romualdez

Alvarez dumipensa sa batikos ng kapwa solons sa inihaing reklamo vs Romualdez

MANILA, Philippines -Inalmahan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang naging pagbabatikos sa kanya ng ilang kapwa mambabatas na hindi naman ito dumadalo sa pagdinig ukol sa 2025 national budget subalit kalaunan ay naghain ng reklamo na may illegal insertions sa pambansang budget.

Una nang sinabi ni House Asst Majority Leader at Taguig Rep Pammy Zamora na walang legal o moral right si Alvarez na magsampa ng graft case laban sa mga opisyal ng House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa 2025 national budget dahil sa kasagsagan ng mga marathon hearings ukol sa budget ay wala naman ito at walang anumang pagtutol na inihayag nang talakayin ang pondo sa House Plenary.

“It’s very ironic that Mr. Alvarez barely participated in the non-stop budget hearings that we’ve had for the 2025 budget, whether sa committee level or sa plenary. Wala naman siyang ni-raise na concern,” pahayag ni Zamora kung saan sinabi nito na si Alvarez ay “guilty of legislative estoppel.”

Maliban kay Zamora nakatanggap din ng batikos si Alvarez mula kay Majority Leader Mannix Dalipe na nagsabing maraming oportunidad si Alvarez na kuwestiyunin ang budget allocations nang dinidinig pa ito sa Kamara subalit wala naman itong sinabi at nang maipasa na ay saka nagsasalita.

Bwelta naman ni Alvarez, dapat bumalik sa law school sina Dalipe at Zamora dahil wala namang tinatawag na “legislative estoppel”.

Aniya, hindi rin ito makakapagpaartisipa sa budget hearing dahil hindi ito bahagi ng bicameral conference committee.

Nlinaw nito na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Kamara ay hindi resulta ng inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Gail Mendoza