Home ENTERTAINMENT Willie, pinagalitan ang direktor!

Willie, pinagalitan ang direktor!

156
0

Manila, Philippines – Napagsabihan ni Willie Revillame ang floor director ng kanilang show pagkatapos nitong dumaan sa harap ng camera habang live silang napapanood sa TV.

Sinabi ng host ng “Wil To Win” na hindi biro ang ginagawa niya para mapaganda ang kanilang show.

Katunayan, siya raw ang hands-on na nag-iisip ng segments ng show para na rin mapasaya ang mga tumatangkilik sa kanila.

Binanggit din niya na madalas ay naba-bash siya kapag nagagalit siya.

Napuna kasi niya na may mga kapalpakan pa rin kahit nag-eensayo na sila.

Idiniin rin niya na siya ang nagiging kawawa at mayabang dahil sa kanyang mga reaksyon sa show.

“Yan po ang problema kapag hindi alam ang ginagawa sa show, ako ang lahat ang nananagot. Para malaman niyo lang ho, para maintindihan niyo,” aniya.

“Nire-rehearse namin ‘to ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa kami, bakit?,” dugtong niya.

Kaugnay ng kanyang palabas, nagpahayag din ang TV host sa isyu ng rating.

Para sa kanya, ang masa ang pinaka-importanteng humusga pagdating sa ratings.

May tila patutsada pa siya sa katapat na show na ang kanilang show ay original at hindi iyong tipong canned o nabibili lang sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, taped as live rin daw ang kanilang programa kumpara sa iba. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here