Home NATIONWIDE Winasak ng nagdaang 4 bagyo sa agrikultura, umabot na sa P4.38 bilyon

Winasak ng nagdaang 4 bagyo sa agrikultura, umabot na sa P4.38 bilyon

1
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa P4.38 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng pinaigting na Habagat at mga bagyong Luis, Maymay, Neneng at Pilandok, ayon sa final assessment ng Department of Agriculture (DA).

Apektado ng mga weather disturbance ang 99,663 magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.

Umabot sa 81,511 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan habang tinatayang 102,791 metric tons ng produksyon ang nasira o nawala.

Pinakamalaking bahagi ng pinsala ang naitala sa palay na umabot sa P2.05 bilyon, katumbas ng 46.99 porsiyento ng kabuuang agricultural losses.

Sumunod ang high-value crops na may P1.38 bilyong pinsala, habang umabot naman sa P647.79 milyon ang naitalang pagkalugi sa fisheries.

Kabilang din sa mga naapektuhan ang mais, cassava, livestock at poultry, gayundin ang agricultural infrastructure, machinery at equipment.

Mas mataas ang pinakahuling halaga kumpara sa P4.13 bilyon na iniulat ng DA noong Setyembre 6, nang 97,589 farmers at fisherfolk ang apektado.

Naghanda naman ang DA ng P609.79 milyong halaga ng agricultural inputs, kabilang ang rice, corn at vegetable seeds at iba pang planting materials, upang tulungan ang mga apektadong producer na makapagsimulang muli ng produksyon.

May nakalaan din na insurance assistance at emergency financing para sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda. Nauna nang naglaan ang Philippine Crop Insurance Corp. ng P187 milyon para sa insurance claims ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at pagbaha. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here