Home HOME BANNER STORY ‘Wiretapping’ ng Chinese Embassy sa AFP official pinatatalupan ni PBBM

‘Wiretapping’ ng Chinese Embassy sa AFP official pinatatalupan ni PBBM

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon ukol sa umano’y wiretapping sa Chinese embassy sa Maynila laban sa isang ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We are looking into it because the fact of the matter is, there have been mentions of a tape that confirms that there was this agreement,” ayon sa Pangulo nang tanungin hinggil sa kanyang naging direktiba kaugnay sa umano’y wiretapping activities ng Tsina sa sidelines ng paglagda sa alyansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) sa Makati City. 

Aniya, masyado pang maaga para magpalabas ng anumang konklusyon hangga’t marinig niya sa kayang sarili ang nilalaman ng sinasabing wiretapping.

“It’s in the possession of the Chinese embassy and the Chinese government. So, until they release it, it’s harder to believe and to accept that there was an agreement,” wika pa ng Pangulo.

Nang tanungin kung ipinag-utos niya sa mga ahensya ng pamahalaan na maging maingat sa bagay na ito, binigyang-diin ng Pangulo na mayroong umiiral na polisiya sa usapin.

“There have been so many departments and agencies that have been victimized and I think we are all very aware of the risks of cybersecurity. We are very conscious of that,” pahayag ni Marcos.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na sanib-puersa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST) para palakasin ang cybersecurity sa bansa. Kris Jose