Home NATIONWIDE Tolentino suportado ang nuclear power program sa Pangasinan

Tolentino suportado ang nuclear power program sa Pangasinan

MANILA, Philippines- Suportado ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang nuclear power program sa Labrador, Pangasinan bilang mga alternatibong sources of energy.

Sa programang Usapang Tol sa DWIZ, binanggit ni Labrador, Pangasinan Mayor Ernesto Acain na ginanap ang ground breaking ceremony ng wind mill facility sa kanilang bayan nitong May 15.

Dito, pinasalamatan ni Acain si Sen. Tolentino sa naging tulong nito sa kanilang programa.

Nabatid na tinulungan ni Tolentino ang Department of Science and Technology (DOST) na makahanap ng nuclear materials sa karagatan na sakop ng Labrador, Pangasinan.

“Kilalang kilala po kayo bilang magaling na senador na nagbibigay importansya po sa energy crisis natin, upang matugunan ng permanent solution po. Thank you po.” ani Mayor Ernesto Acain.Kilalang kilala po kayo bilang magaling na senador na nagbibigay importansya po sa energy crisis natin, upang matugunan ng permanent solution po. Thank you po.” ani Mayor Acain kay Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, ‘proven safe’ ang mga power plants bilang alternatibong sources of energy at ito ay isang long term solution na tutugon sa mataas na singil ng kuryente.

Aniya, hindi lamang mga residente ng Pangasinan ang makikinabang sa mga proyektong ito kundi ang buong bansa. RNT