Home SPORTS Usyk tinibag si Tyson Fury

Usyk tinibag si Tyson Fury

RIYADH – Umiskor si Oleksandr Usyk ng razor-thin split decision laban kay Tyson Fury para maging undisputed heavyweight boxing world champion sa isang kapanapanabik na laban na ginanap  sa Kingdom Arena sa Riyadh kahapon.

Halos matabunan ng kanyang malaking kalaban, nagawa ni Usyk na talunin ang katunggali matapos mapwersa si Fury na mabigyan ng standing count sa ika-siyam na round para makuha ang tagumpay.

Ang 37-taong-gulang na Ukrainian ay ang unang boksingero na humawak sa lahat ng apat na pangunahing heavyweight belt sa parehong oras at ang unang undisputed na kampeon mula noong katapusan ng paghahari ni Lennox Lewis noong Abril 2000.

Naging mas mahusay si Usyk sa mga pambungad na round bago naitulak ni Fury ang kanyang hakbang sa ika-apat, nakikibahagi sa ilang showmanship nang sinimulan niyang patamaan si Usyk sa katawan, ngunit lumaban ng husto ang Ukrainian.

Bumawi si Usyk  at tila ititigil nan g referee ang laban sa ika-siyam nang birahin niya si Fury sa ulo.

Nagawang lusutan ng dating walang talong Briton ang bell pero sa huli hinirang na panalo si Usyk.

“Maraming salamat. … Ito ay isang malaking pagkakataon para sa akin, para sa aking pamilya, para sa aking bansa. … Ito ay isang mahusay na oras, ito ay isang magandang araw,” naluluhang pahayag ni Usyk sa isang post-fight interview sa the ring, idinagdag na bibigyan niya si Fury ng agarang rematch.

Sa co-main event, si Jai Opetaia ng Australia ay nanalo ng unanimous decision laban kay Mairis Briedis ng Latvia para makuha ang bakanteng IBF cruiserweight title, at si Anthony Cacace ng Ireland ay umiskor ng TKO win laban kay Joe Cordina ng Wales para mapanatili ang kanyang IBO super-featherweight title at angkinin ang IBF belt.JC