Home NATIONWIDE World Teachers’ Day sinabayan ng kilos-protesta ng mga guro

World Teachers’ Day sinabayan ng kilos-protesta ng mga guro

368
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day, sinabayan ng mga guro ang selebrasyon ng kilos-protesta na tinaag na “Teachers, Walk Out!”.

Nagtipon-tipon ang mga guro sa UST España at nagmartsa patungong Mendiola kung saan nagsagawa ang mga ito ng maikling programa.

Panawagan nila: P50,000 sahod para sa Teacher I, dagdag pondo sa edukasyon, at panagutin ang mga tiwaling opisyal.

Sa kabila ng buhos ng ulan, hindi napigilan ang kilos-protesta.

Bahagyang nagdulot ito ng trapiko sa kahabaan ng España Boulevard, ngunit matapos ang programa at pangangalampag sa Mendiola, mapayapa ring nagsiuwian ang mga guro.

Nanatili naman ang kapulisan para magbigay ng seguridad at tiyakin ang kaayusan sa lugar.

Samantala, hindi lamang sa Maynila idinaos ang pagkilos kundi maging sa ilang paaralan sa Quezon City kung saan lumabas din ang mga guro, gamit ang visual aids, plakard at iba’t ibang aktibidad bilang simbolikong pagtutol.

Giit ng mga guro: hindi pagdiriwang, kundi paniningil ng hustisya at makabuluhang reporma sa edukasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here