Home ENTERTAINMENT Xian, kinol-out si Derek!

Xian, kinol-out si Derek!

Manila, Philippines – Hindi itinanggi ng self-proclaimed Marites na nirerespeto niya si Derek Ramsay.

Wari’y nagpasintabi muna si Xian Gaza sa kanyang Facebook account.

Post niya: “Nirerespeto kita, sir, kaya hindi kita ma-bash!”

Gayunpamsn, Xian couldn’t help but ask the Fil-Brit actor a question.

Nais daw niyang marinig ang opinyon ng aktor makaraang bigyan ng puso ng saging ni Philmar Alipayo si Andi Eogenmann nitong Valentine’s Day.

Derek claims he’s a close friend to Pernilla Sjoo, ang Swiss na umano’y third party sa relasyong Andi-Philmar.

Derek claims he’s a close friend to Pernilla Sjoo, ang Swiss na umano’y third party sa relasyong Andi-Philmar.

Derek went as far as taking the cudgels for Pernilla habang dismayado naman ito sa ginawa ni Andi for bringing it out on social media.

Pinagsabihan din ni Derek si Philmar to be man enough to own up to his mistake.

Being an onlooker while all this is taking place ay tinawag ni Xian ang atensyon ni Derek.

Ayon sa kanyang FB post: “Si Andi, puso lang ng saging samantalang ‘yung kaibigan mo (Pernilla), ginastusan!”

Ang tinutukoy ni Xian na naglabas ng pera si Philmar ay nang sabay silang nagpa-tattoo ni Pernilla ng “224.”

In other words, “sukatan” ng pera ang tinutumbok ni Xian na unfair para kay Andi.

Ewan nga lang kung papatulan ni Derek ang “patutsada” ni Xian! Ronnie Carrasco III