Home ENTERTAINMENT ‘Xian Lim’, may komento sa gulo sa WPS, dismayado!

‘Xian Lim’, may komento sa gulo sa WPS, dismayado!

Manila, Philippines- Sa dinami-daming pagkakataong puwedeng biktimahin si Xian Lim ng mga taong walang magawa sa buhay ay itinaon pa ng mga ito na premier night ng dinirek niyang pelikula.

May post kasi si “Xian” sa social media kung saan ikinunek ang pagiging half-Chinese niya.

The post believed to be the Kapuso actor’s poser reads: “I’m half-Chinese and I’m disappointed with my co-half-Pinoys.”

Dismayado raw ang aktor kung paanong pinalala raw ng kanyang mga kalahi ang tensyonado na ngang kalagayan sa West Philippine Sea.

Katwiran ni “Xian,” dapat pa nga raw ay hindi humantong sa ganito ang sitwasyon kung nagkatulungan sa ngalan ng kapayapaan.

Pero ang sumunod na linya ang nagbigay ng malinaw na katibayan na hindi nga ang tunay na Xian ang nag-post nu’n.

The post reads: “Huwag ko kayong makitang kumakain ng siomai!”

Okay na sana, eh.

Paniwalang-paniwala na ang mga netizens kung hindi dahil sa kabuntot na post na ‘yon.

The more discerning netizens believe na napaka-petty ng linyang ‘yon to be attributed to Xian.

Kilala naman din ang aktor who talks sense.

Ang nakakatawa, nakaiwas nga sa mediacon ng pelikula niyang Kuman Thong si Xian ay hindi naman siya tinantanan sa preem night ng isa niyang movie. Ronnie Carrasco III