Home NATIONWIDE Gamot sa Alzheimer inaprubahan ng US FDA

Gamot sa Alzheimer inaprubahan ng US FDA

MANILA, Philippines – Pinahintulutan na ng US Food and Drug Administration ang paggamit sa gamot sa Alzheimer na Eli Lilly.

Ito ang inaprubahang pangalawang gamot para sa pagpapabagal sa pag-unlad ng sakit na nakakasira ng utak.

Ang pag-apruba para sa gamot na may tatak na Kisunla ay naaayon sa mga rekomendasyon ng mga eksperto sa labas ng ahensya na nagkakaisang sumuporta sa paggamit ng gamot sa mga pasyenteng may maagang Alzheimer’s disease.

Sinasabi na ang mga benepisyo ng gamot ay higit sa mga panganib nito.

Nasa halagang $695.65 bawat vial ang Kinsula, na magiging $32,000 para sa 12-buwang paggamot. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)