Home ENTERTAINMENT Xian, may open letter kay Ai Ai!

Xian, may open letter kay Ai Ai!

Manila, Philippines – Intrusive but with sense of humor.

May punto pero hindi nakakasakit ng damdamin.

Ganito ang himig ng kabuuang open letter ni Xian Gaza para kay Ai Ai de las Alas.

Tulad ng nakagawian na ng mga netizens, walang napapanahong isyu sa showbiz ang hindi pinapatulan ni Xian.

Parang “adbokasiya” na niya ito–to share his two cents.

At sa pagkakataong ito’y idinaan niya sa liham ang gusto niyang iparating sa Comedy Queen.

In his letter, hindi nagtatanong si Xian kundi parang siguradung-sigurado siya sa kanyang mga sinasabi.

Pakiramdam niya–may nabuntis daw si Gerald Sibayan, dahilan para hiwalayan siya nito.

Payo niya kay Ai Ai, maghintay next year–time ng panganganak ng nabuntis ni Gerald.

Pinayuhan din niya ang komedyana na huwag nang pumatol sa bata.

Look nga naman, ginamit lang siya ni Gerald para makapunta sa Amerika at magkaroon ng green card.

‘Yung mga mas bata pa namang lalaki ay pera lang ang habol sa matatanda.

Sa bandang huli, nag-iwan si Xian ng mensahe para maiwasan ni Ai Ai na muling masaktan: “Fling-fling na lang! Tikim-tikim na lang!”

Dasal ni Xian na makabangong muli ang komedyana pagkatapos ng pagsubok na ito. Ronnie Carrasco III