MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motoristang dumaraan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ang mas mataas na toll simula sa susunod na linggo.
Ito ay matapos payagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang implementasyon ng second tranche ng inaprubahang toll adjustment para sa SCTEX, ayon sa NLEX Corp., ang nangangasiwa sa SCTEX.
Sinabi ng toll company na kokolektahin ang karagdagang P0.64 per kilometer (km) para sa Class 1 vehicles, P1.29 per km para sa Class 2, at P1.93 per km para sa Class 3 sa SCTEX epektibo sa Nob. 19, 2024.
“The additional rates, which followed strict compliance with regulatory procedures and underwent thorough review, were part of the approved periodic adjustments of SCTEX due in 2021 and 2023,” anito.
“The increase was deferred and divided into three tranches that will be collected over three years to help curb the inflationary strains and ease impact on the users of the expressway,” dagdag pa. RNT/SA