Manila, Philippines- Si Xian Gaza ang binansagang Pambansang Marites.
Pero there’s more than meets the eye, ‘ika nga.
Mahilig din kasing pumuna ng muta ng ibang tao si Xian, pero ang dumi ng kanyang mata’y hindi niya nakikita.
Sa kanyang latest post, inamin ni Xian na wala raw siyang kuwentang anak.
Sa loob daw kasi nang 31 taon ay wala raw silang ginawa mag-ina kundi mag-away.
Magkakontra-pelo raw ang kanilang mga pag-uugali.
Inamin din ni Xian na umaabot nang taon nang hindi niya kinikibo ang kaalitang ina.
Xian considers himself as a piece of sh***t na walang ambag sa buhay ng kanyang ina kundi ang magbigay ng sustento na itinitigil pa niya sa tuwing mag-aaway sila.
Gayunpaman, hindi pinalampas ni Xian ang kaarawan ng ina para batiin ito at sabihin kung gaano niya ito kamahal.
Okey na sana kung doon na natapos ang emote ni Xian sa social media.
Sukat ba namang isiningit niya si Carlos Yulo nang walang kaabug-abog!
Ani Xian: “Ganyan ang anak, hindi tulad mo na sinisiraan mo pa ang iyong ina!”
Obyus na hindi updated si Xian tungkol sa mga kaganapan sa buhay ng Olympic two-time gold medalist.
Napaghahalatang sa kabila ng ginagawang pagsasawsaw ni Xian sa mga showbiz issue ay nakaligtas sa kanya ang vlog interview ni Toni Gonzaga kay Carlos.
Sa Toni Talks kasi ay ibang Carlos ang napanood ng mga netizens.
Doon ay inamin nga ni Carlos ang kanyang mga pagkakamali sa kanyang pamilya most especially to his mom to the point ngang feeling niya’y nakarma siya.
In the end, Carlos believes na in time ay magkakaayos din sila ng kanyang pamilya.