MANILA, Philippines- Idineklara ang lalawigan ng Misamis Occidental na malaya na mula sa insurgent threats.
Dumalo si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa deklarasyon ng insurgency-free Misamis Occidental na isinagawa sa Tangub City Global College Sports Complex nitong Biyernes.
Batay sa isang press release mula sa local Philippine Information Agency, nahaharap ang Misamis Occidental sa mga hamong dulot ng guerilla fronts Joji at Sendong ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) sa loob ng mahigit 50 taon.
Matapos mabuwag ang huling rebel group noong Disyembre 2023, inanunsyo ni Major General Gabriel Viray, commander ng Philippine Army’s 1st Infantry (Tabak) Division, ang opisyal na deklarasyon ng pagiging malaya ng probinsya mula sa insurgents.
“This milestone is a testament to the strength of our unity, and what we can achieve when we lead and work with it in our minds and our hearts,” pahayag ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal. RNT/SA