Home ENTERTAINMENT Xian, ni-lecture-an si Dennis!

Xian, ni-lecture-an si Dennis!

Manila, Philippines- There goes the self-proclaimed Pambansang Marites again!

Sino pa ba kundi si Xian Gaza na

“nagpapapansin” na naman sa kanyang Facebook post.

This time around, ang napiling isyung sawsawan ni Xian ay ang gusot sa pagitan ni Dennis Padilla at ng kanyang newly wed daughter na si Claudia Barretto.

Si Claudia ay isa sa tatlong anak ng komedyante kay Marjorie, the two others being Julia and Leon.

Recently ay ikinasal si Claudia sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo.

Napagpistahan na nga sa socmed at mainstream media ang sumbong ni Dennis na even if invited to the wedding, nagmistulang guest ang pakiramdam ng naturingan pa manding father of the bride.

It was Marjorie who walked her daughter down the aisle.

Nagpakawala nga si Dennis ng kanyang sama ng loob.

Dito na punasok si Xian who posted on FB (pero burado na) na: “Huwag mo na pong pahirapan ang anak mo!”

Dagdag pa ni Xian: “Kaya ginaganyan ka ng anak mo kasi wala kang kuwentang ama noon sa kanila!”

As though it’s not enough, nag-lecture pa si Xian: “‘Yan ay repleksyon kung paano ang trato natin sa kanila noon!”

Nakunan na nga ni Ogie ng panig si Marjorie who set the record straight, debunking Dennis’ earlier claims.

Ani Marjorie, aware daw si Dennis na hindi siya ang maghahatid kay Claudia sa altar.

Hindi rin kinawawa si Dennis, tulad ng pinalalabas ng nakisimpatyang kapatid nitong si Gene.

Hindi rin daw nag-iiyak ang ina ni Dennis dahil sa ginawa dito, bagkus ay may katibayan si Marjorie as shown in a photo na masaya’t ngumingiti pa ang dating biyenan. Ronnie Carrasco III