Home ENTERTAINMENT Xian, pinagtripan ang retokadong ilong ni Alex!

Xian, pinagtripan ang retokadong ilong ni Alex!

Manila, Philippines – Very basic lang ang sagot sa tanong kung bakit sumasailalim sa cosmetic surgery ang isang tao lalo na ang babae.

Sagot: para gumanda pang lalo!

‘Ika nga, the beauty of the person already exists.

It simply has to be enhanced.

Ganito rin ang paniniwala ng social media personality na si Xian Gaza.

To be more accurate about the description, si Xian ay nakilalang pala-sawsaw sa halos lahat na yata ng showbiz issues.

As far as Alex Gonzaga na umaming nagparetoke ng ilong recently is concerned, siya ang bagong pinagtripan ni Xian.

Dokumentado ang pananaw ni Xian who did his vlog in Bangkok, Thailand.

Nasa harap siya ng isang stall enjoying his refreshing fruit shake.

Ani Xian: “Pag naglalakad-lakad dito, pare-pareho ang itsura ng ilong ng mga ladyboy!”

Ang ladyboy ay mga trannie na naglipana on the busy streets of Bangkok.

Ikinumpara ni Xian si Alex sa mga nakakasalubong na ladyboy sa kalye.

Depensa niya, ang goal naman daw talaga sa pagpunta sa isang cosmetic surgeon ay gawing maganda o presentable ang kliyente nito.

Sa kasamaang palad, hindi raw ganito ang nangyari sa kaso ni Alex.

Ani Xian: “Maganda na nga, sinira pa!”

Matatandaang mismong si Alex flexed her post-nose job photo sa kanyang social media account.

Makailang beses daw niyang inisip before she had her nose done.

Happy naman daw siya sa naging resulta nito. Ronnie Carrasco III