Home ENTERTAINMENT Xian, tahimik na nag-celebrate ng bday!

Xian, tahimik na nag-celebrate ng bday!

152
0

Manila, Philippines – Simple and very quiet na nag-celebrate ng kanyang birthday ang actor/director na si Xian Lim.

Nasanay kasi ang netizens na maingay ang fans nila ng ex-girlfriend niya na si Kim Chiu sa pagbati sa kanya sa socmed.

This year, wala mang pa-birthday message kay Xian si Kim, feel na feel naman ang love ng ina ng actor-director sa pagbati sa kanya sa comment section ng simpleng birthday post nya sa Instagram.

Ipinost ni Xian ang screenshot ng picture nya noong grumadweyt siya sa elementary.

Ang complete name ng ex-noyfriend ni Kim ay Alexander Xian Lim Uy. And take note, ang kanyang ambition ay maging isang classical pianist.

Ang sosyal, ‘di ba?

Well, afford naman ng parents ni Xian na suportahan siya para maging classical pianist. At naging classical pianist talaga si Xian.

I wonder lang kung ipinagpatuloy ni Xian ang kanyang ambition to be a pianist when he entered college sa University of the East.

Yes, nag-college po si Xian. And he is an alumnus of University of the East.

He took up Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management.

Expected na ang ganitong course ang kukunin ni Xian since his parents are Chinese and basically, majority of the Chinese clans, ang focus talaga ay sa pagnenegosyo.

Nag-enroll si Xian sa UE noong 2008. Pero di natapos ni Xian ang kanyang course maybe because nangibabaw ang pagkahilig nya sa art kesa pumasok sa pagne-negosyo.

Bata pa lang si Xian, may hilig na talaga siya sa art.

And speaking of UE, ang current president pala ng sikat na unibersidad sa Recto Avenue ay si Dr. Zosimo Montemayor Battad.

At inabutan pala ni Xian si Dr. Battad sa UE.

Ang dean of the College of Business Administration where Xian was enrolled at that time ay si Dean Veronica Elizalde. Nag-retire si Dean Elizalde sa UE noong third quarter of 2022.

Knows nyo ba na si Xian ay part ng Team B ng UE Red Warriors Men’s Basketball Team?

Pwede, kasi matangkad si Xian.

Initially, he wanted to be a basketball player as his father was one, too.

Ang head coach ng Red Warriors that time ay ang sikat na PBA player na si Dindo Pumaren.

Anyway, isang slice na cake ang nilagay ni Xian sa caption ng kanyang IG post noong birthday niya.

Pagbati ng mother ni Xian ma si Mary Anne, “Happy Birthday, Anak. We all love you, evermore.”

Reply ni Xian, “I love you Mom!” Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here