Home ENTERTAINMENT Teen actor, pinagsamantalahan ng dalawang TV execs; Showbiz dad, magsasampa na ng...

Teen actor, pinagsamantalahan ng dalawang TV execs; Showbiz dad, magsasampa na ng kaso!

181
0

Manila, Philippines- Sa tulong ng mga kaibigan sa TV industry ay nakuha ng inyong lingkod ang mga pangalan ng dalawang direktor na umano’y sangkot sa pang-aabuso sa isang newbie actor.

Kalat na kalat na sa social media at mainstream news ang kaawa-awang sinapit ng aktor sa mga mapangsamantalang kamay ng mga ito.

Naunang iniulat ‘yon bilang blind item pero kung gagamitin ang paraang “connect the dots” ay iniuugnay ito sa cryptic post ng aktor na naniniwalang makakamit niya ang hustisya.

Nahanapan din ito ng kunek sa isa ring cryptic post ng mismong ama ng aktor–na aktibo rin sa showbiz–kung saan nagbanta ito that he’ll get to the bottom of the issue.

Balita kasing nakikipag-usap na ang ama sa abogado.

Naganap umano ang umano’y sexual molestation sa isang network event kamakailan.

Diumano, “nilasing” ng dalawang “independent contractors” ang baguhan saka isinagawa ang hindi dapat mangyari.

Pumalag daw ang aktor na ang sabi’y naghihintay na raw sa kanya ang nobyang naroon din sa event, but to no avail.

Tsinek namin ang respective social media accounts ng mga inirereklamong TV director.

A quick look at their profiles will reveal na hindi sila independent contractors as earlier reported.

Napapabilang sila sa roster ng creative staff sa panghapong block (or non-primetime) ng network.

Either head or consultant ang kanilang designation.

Having worked on TV for nearly two decades, hindi pamilyar sa amin ang kanilang mga profile pictures.

Their names hardly ring a bell either, pero kilala namin ang iba nilang mga kasamahan.

Sa ngayon, balitang gumugulong na ang “internal investigation.”

Which to us ay dapat lang, kakambal ng karampatang kaparusahan sa mga ito nang matigil na ang kalakarang noon pa nauso pero walang naglakas-loob pumiyok.

‘Yun sanang mga kuwentong nililika nila sa telebisyon ay huwag na nilang isabuhay!

Nakakahiya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here