Home ENTERTAINMENT Xmas song ni Jojo, ikinumpara sa kanta nina Ariel at Gary V!

Xmas song ni Jojo, ikinumpara sa kanta nina Ariel at Gary V!

299
0

Manila, Philippines – Kilala sa showbiz si Jojo Mendrez bilang “Revival King” na nagbigay buhay muli sa ilang OPM hits tulad ng Magkabilang  Mundo ni Jireh Lim, Somewhere in My Past ni Julie Vega, Tuyo ng Damdamin ng Apo Hiking Society at mga awiting Sana at Handog ni Florante.

Sa kantang Handog ay nakuha  niya ang Revival Song of the Year award mula sa Star Awards for Music ng PMPC noong 2018.

Bukod sa mga ni-revive niyang mga kanta, may sarili rin siyang mga original songs tulad ng Basta Ikaw, Diwa ng Pasko, at Nandito Lang Ako mula sa Star Music — kasama pa ang bago niyang Christmas single.

Ang bagong  Christmas song ni Jojo na siguradong tatagos din sa puso ay ang “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin”, na mula sa Star Music at komposisyon ng award-winning songwriter na si Jonathan Manalo.

Ang kantang ito ay masasabing highlight sa career ni Jojo dahil espesyal itong isinulat ni Manalo para sa kanya.

Malaki raw kasi ang paniniwala ng magaling na composer  na mabibigyang buhay ni Jojo ang nilikhang kanta.

Ayon sa mga  nakapakinig na ng kanta ay napaka-emosyonal ng awitin — parang bumabalik ka sa mga eksenang puno ng pag-ibig at pangungulila, habang dama mo ang puso sa bawat linya ng kanyang boses.

Wala raw pinagkaiba ito sa kanta nina Gary V na Pasko na Sinta Ko at Sana Ngayong Pasko ni Ariel Rivera.

Sabi ni Jojo, “Siguro ang pagkakatulad ng kanta ay tungkol sa pangungulila sa isang minamahal at hindi ang melody o kung anopaman. Punung-puno kasi ng emosyon ang kanta tulad ng Pasko na Sinta Ko at Sana Ngayong Pasko.”

Nakatakdang i-release ngayong Oktubre ang kantang “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” na tiyak na magbibigay kulay ngayong Kapaskuhan. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here