Manila, Philippines- Sa guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula ay natanong siya tungkol sa pagsasampa ng kapwa Kapuso sar na si Rita Daniela ng kasong acts of lasciviousness case laban sa aktor na si Archie Alemania.
Kaya naman natanong si Yasmien, taong 2009 kasi, nang idemanda rin niya si Baron Geisler sa parehong kasong acts of lasciviousness habang ginagawa nila ang drama anthology noon na “SRO Cinemaserye: Suspetsa” sa GMA 7.
Naayos sa labas ng korte ang naturang kaso nang mag-public apology si Baron at personal na humingi ng paumanhin kay Yasmien.
Sabi ni Yasmien, “Malungkot ako kapag nakakarinig ako ng mga ganu’ng balita, kasi hindi siya maganda. Hindi siya maganda for both parties, maraming naaapektuhan na mga tao, masyadong mabigat ‘yung issue.
“Nu’ng pinagdaanan ko ‘yun, I was really young, and I am at work. Habang nasa trabaho pa ako, nu’ng nangyari sa akin.
“Mahirap. Mahirap ‘yung feeling, kasi ang bigat-bigat, pupunta ka lagi ng hearing. Tapos, pag may hindi sumipot, tapos effort ka. Alam mo ‘yung ang daming nangyayari.
“Traumatic talaga siya, para sa akin kapag naaalala ko nga ‘yan, tingnan mo, nanginginig po ako ngayon. Hanggang ngayon, kapag naalala ko siya, nakaka-trauma talaga siya,”aniya pa.
Sa tanong kung ano ang maipapayo niya kay Rita at sa iba pang biktima ng sexual abuse at sexual harassment, “Hindi ko po kasi masyadong alam yung issue. Hindi po ako masyado updated sa mga showbiz happening.
“Ang dami ko kasi…ngayon lang ako nagpa-interview ulit. Ang masasabi ko, huwag kayong matakot. Speak up! At huwag din nilang patulan kung merong mga ganu’ng jokes, dapat sabihin agad nila na stop. Tama na.
“Huwag nInyong papatulan yung mga ganu’ng klaseng tao, kasi hindi niyo dapat patulan ‘yung conversation nila na bastos or what.
“Dapat sabihin mo, huwag. Matuto kayong mag-‘no.’ Hindi yung mahihiya kayo dahil senior actor or senior sa inyo. Dapat huwag kayong matakot sa ganu’n, isumbong n’yo yan. Sabihan niyo agad yung management about it.” Rommel Placente