MANILA, Philippines- Arestado ang isang indibidwal sa Misamis Oriental dahil sa online sexual exploitation ng mga menor-de-edad, ayon sa National Center against online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM) nitong Huwebes.
Sinabi nito na nadakip ng Women and Children Protection Center-Mindanao Field Unit (WCPC-MFU) si alyas Lyra noong Nobyembre 6 at nasagip ang apat na menor-de-edad, kung saan isa ang biktima at tatlo ang children-at-risk.
Nakakalap ng ebidensya ang WCPC-MFU sa kanyang social media account na nag-aalok siya ng mga menor-de-edad para sa sexual exploitation kapalit ng pera,
“Today, we have taken a significant step in our mission to eradicate the online exploitation of children,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Mario Baquiran Jr. ng WCPC-MFU.
“The rescue of these innocent children is a testament to our commitment of protecting the most vulnerable members of our society. We will not rest until every child is safe and every perpetrator is held accountable,” dagdag niya.
Nanawagan ang National Center sa publiko na iulat ang mga insidente ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata sa Facebook pages ng WCPC at ng PNP Women and Children Protection Center. RNT/SA