Home NATIONWIDE PH lumagapak sa World Digital Competitiveness Ranking

PH lumagapak sa World Digital Competitiveness Ranking

MANILA, Philippines- Bumaba ng dalawang pwesto ang Pilipinas sa World Digital Competitiveness Ranking ngayong taon, sa ika-61 mula sa 67 bansa, ayon sa ulat ng Institute for Management Development (IMD) na ipinalabas nitong Huwebes.

Kinokonsidera sa nasabing ranking ang tatlong salik kung saan bumaba ang bansa sa dalawang kategorya, ang knowledge ranking sa ika-64 (mula sa ika-63rd noong nakaraang taon) at technology ranking sa ika-56 (mula sa ika-51 noong nakaraang taon).

Samantala, para sa future-readiness, pumwesto ang Pilipinas sa ika-58 mula sa ika-59 noong 2023.

“Many economies, particularly in developing regions, lack access to high-speed broadband, reliable electricity, and modern telecommunications networks, which limit their participation in the global digital economy. According to the International Telecommunication Union (ITU), while broadband access has expanded globally, significant gaps remain, especially in rural and underserved areas,” anang IMD.

Nanguna ang Singapore sa IMD World Digital Competitiveness Ranking, sinundan ng Switzerland at Denmark. Ika-apat ang US, bumaba ng tatlong pwesto mula sa ranking nito noong nakaraang taon.

Gumagamit ang ranking ng data at survey responses upang sukatin ang digital competitiveness ng 67 global economies, “exposing their strengths and weaknesses.” RNT/SA