Home ENTERTAINMENT Yasmien, tinanggal ang gender reveal video sa FB, naimbyerna!

Yasmien, tinanggal ang gender reveal video sa FB, naimbyerna!

Manila, Philippines – Ramdam ng maraming netizens most especially mothers ang hanash ni Yasmien Kurdi.

Posted on Instagram, inilabas ni Yasmien ang tindi ng kanyang sama ng loob dahil taken down o tinanggal ng pamunuan ng Facebook ang pa-gender reveal niya sa ikalawang anak nila ng asawang si Rey Soldevilla.

Ani Yasmien, kagabi raw ay idinaos nila ang mini gender reveal only to find out that the video was removed.

May warning daw ang FB na “this page has some issues.”

Napag-alaman daw niya na ayon sa FB, nilabag daw ni Yasmien ang mga alituntunin nito.

Partikular na ginawang isyu laban kay Yasmien ang nilalaman ng nasabing video na nagtataglay ng “bullying and harassment.”

Hindi raw maubos-maisip ng Kapuso actress kung bakit ‘yun ang ginamit na grounds for taking the video down gayong pulos mga wholesome comments nga ang kanilang tinanggap upon posting the video.

Naghihimutok si Yasmien na huwag ang video niya ang pagdiskitahan ng FB kundi ang mga materials na nagpapakita ng kalaswaan tulad ng paghuhubad o pagmumura.

Kung ganito raw kasi ang take ng FB sa kanyang kaso, ano raw bang klase ng mundo ang ating gusto para sa mga anak natin.

May mga netizen naman ang naninisi kung sinuman ang nag-report ng video ni Yasmien sa FB admin.

Posible kayang biktima si Yasmien ng mga gusto lang manira sa kanya at the expense of that gender reveal video?

Bale ba, sa nasabing okasyon na ‘yon ini-apply ni Yasmien ang kanyang natutunan from a baking class in a culinary arts school.

Hindi ba’t nakaka-bad trip? Ronnie Carrasco III