Home METRO Maguindanao Sur nasa state of calamity sa epekto ng tagtuyot

Maguindanao Sur nasa state of calamity sa epekto ng tagtuyot

Inaprubahan ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang isang resolusyon na nagdedeklara sa buong lalawigan ng state of calamity dahil sa malaking pagkalugi sa agrikultura na dulot ng tagtuyot.

“Naapektuhan ng tagtuyot ang 5,601 magsasaka at nasira ang mahigit P345.9 milyon na pananim. Apektado nang husto ang palay at maisan, taniman ng saging, bakahan at manok, at freshwater fish,” aniya sa isang pahayag nitong Martes.

Noong Lunes, Abril 22, nilagdaan ni Mangudadatu ang Sangguniang Panlalawigan Resolution No.

Kabilang sa mga apektadong bayan ang Ampatuan, Buluan, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, at Datu Unsay.

Apektado rin ang mga bayan ng Gen. SK Pendatun, Guindulungan, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Shariff Saydona Mustapha, South Upi, Sultan sa Barongis at Talayan.

Sinabi ni Mangudadatu na ang kawalan ng pag-ulan ay humantong sa pagliit ng mga pinagmumulan ng tubig, na nagdulot ng malaking hamon sa mga magsasaka sa patubig ng kanilang mga pananim, kabilang ang palay, mais, at mga gulay.

Noong nakaraang linggo, ang buong lalawigan ng Sultan Kudarat, katabi ng Maguindanao del Sur, ay isinailalim sa state of calamity ng provincial disaster risk reduction and management council at inaprubahan ni Governor Pax Ali Mangudadatu, anak ni Maguindanao del Sur Governor Mangudadatu. RNT