Home NATIONWIDE Zaldy Co inalis na sa opisyal na listahan ng mga mambabatas

Zaldy Co inalis na sa opisyal na listahan ng mga mambabatas

366
0

MANILA, Philippines – Inalis na sa listahan ng mga mambabatas ang pangalan ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, dating chairman ng House Appropriations Committee.

Ito ay matapos magbigay ng direktiba ang plenaryo kay Secretary General Cheloy Garafil na tuluyan nang baklasin ang pangalan ni Co kasunod ng kaniyang pagbibitiw bilang mambabatas.

Sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa plenaryo ng 2026 budget na inabot hanggang madaling araw ng Biyernes, Oktubre 3, ay nag-mosyon si Assistant Majority Leader at Sultan Kudarat 2nd District Rep. Bella Vanessa Suansing na pansamantalang talakayin sa plenaryo ang ilang order of business.

“Communication dated September 29, 2025, from Honorable Elizaldy S. Co, Representative of Ako Bicol party-list, addressed to the House of Representatives, regarding resignation letter-reply to the 22 September 2025 letter-complaint,” ayon pa kay Garafil.

Matapos kumpirmahin ni Suansing na natanggap ng House committee on rules ang liham mula sa kampo ni Co ay agad na ipinag-utos ng presiding officer na si Deputy Speaker Janette Garin na alisin na sa listahan ang nagbitiw na kongresista.

“In view of the resignation of Representative Elizaldy S. Co, the Secretary General is hereby directed to drop Representative Co from the roll of members of the House of Representatives. So ruled,” sinabi pa ni Garin.

Nitong Biyernes lamang ay nai-post ni Co sa kaniyang Facebook page ang kaniyang pagbibitiw bilang mambabatas masakit man sa kaniyang kalooban na naipadala sa tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Si Co ay sinasabing nasa Estados Unidos upang magpagamot ngunit sa mga hindi makumpirmang ulat ay sinasabing nakalabas na ito ng US.

Unang nagbitiw si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang speaker na sinundan ni Co bagama’t ang direktiba ng naupong bagong speaker na si Isabela Rep. Faustino “Boogie” Dy III ay bumalik ito sa loob ng 10 araw.

Ngunit sa halip na sumipot sa Kamara ay nagsumite si Co ng resignasyon sa gitna ng mga alegasyon ng “kickbacks at insertion” sa 2025 budget na nagdulot ng mga ghost projects at substandard projets sa flood control funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here