ZAMBOANGA CITY, Philippines – 13 katao ang naitalang namatay dahil sa dengue sa mga syudad sa Isabela at Zamboanga mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Ayon kay Zamboanga City Medical Center Information Officer Dr. Shadrina Sarapuddin ang mga nasawi sa dengue ay kinabibilangan ng pitong menor de edad at limang nasa hustong gulang.
236 na pasyente ang na admit ngayong taon dahil sa dengue, mas mataas kaysa sa 208 na naitala noong nakaraang taon.
Sa unang dalawang linggo ng Setyembre, nakapagtala ang ZCMC ng anim na kaso samantala 23 ang naitala ng Agosto at 24 noong Hulyo.
Naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa mga maulang panahon ng Marso hanggang Abril, ayon kay Sarapuddin.
Nanawagan siya sa publiko na panatilihin ang kalinisan upang maalis ang mga lugar na maaaring pamugaran at paanakan ng mga lamok at agad na humingi ng medikal na payo kapag naobserbahan ang mga sintomas ng dengue. RNT/MND