Home METRO Zero rabies, zero hayop na gala target sa Maynila

Zero rabies, zero hayop na gala target sa Maynila

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na target nilang maging “zero rabies” ang lungsod bago matapos ang 2024 at “zero astray animals” o mga pagala-galang hayop pagdating ng taon 2027.

Ang naturang pahayag ay sinabi ni Dr. Nicanor Santos, hepe ng Manila Veterinary Inspection Board, kung saan binanggit nito ang pagbubukas ng satellite clinic sa Dapitan Sports Complex at susunod na ang San Andres Sports Complex sa tulong nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at 5th District Congressman Irwin Tieng.

Bukod sa mga nabanggit na clinic, binanggit din ni Dr. Santos ang paparating na pet machine o pet incinerator na magsisilbing pet crematorium sa Vitas, Tondo.

Pinasalamatan naman ni Mayor Honey Lacuna si Cong. Tieng dahil sa tuloy tuloy nitong pagtulong, hindi lamang sa mga residente ng kanyang distrito na pinaglilingkuran kundi sa lahat ng residente ng Maynila. JAY Reyes