Home ENTERTAINMENT Ziggy, nakunsensya sa ginawa sa ina, umiyak!

Ziggy, nakunsensya sa ginawa sa ina, umiyak!

Manila, Philippines – Cute na cute ang mga netizens kay Sixto or nicknamed Ziggy na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Si Ziggy ang sumunod kay Zia.

Sa Facebook video na ibinahagi ng GMA Primetime Queen ay iyak nang iyak ang bagets.

Awang-awang kasi ito sa sinapit ng kanyang ina whose hair got tangled with his toy car.

Makikita nga sa video na may nalugas na buhok si Marian sanhi ng pagkabuhol nito sa laruang kotse ng anak.

“Wawa mama!” _”Wawa mama!” ang paulit-ulit na binibigkas ni Ziggy na hindi alam ang gagawin.

May mga netizen namang nagpakalma sa bagets na nagsabing gugupitin na lang ng kanyang ina ang pumulupot na buhok.

Habang nag-iliyak nga si Ziggy ay cool lang si Marian na tumatawa pa nga.

Samantala, sina Zia at Ziggy pala mismo ang may sey kung bet nilang patulan ang iniaalok na commercial endorsement sa kanila.

Sa kaso nga ni Zia, there was one offer she had to turn down.

This early, the parents let their kids be although ang major decision making pa rin ay na kina Dong at Yan lalo’t hindi biro ang contract involved. Ronnie Carrasco III