Home HOME BANNER STORY ‘Bumangga’ sa Filipino fishing boat, 2 Chinese vessel; mangingisda hinahanap pa rin...

‘Bumangga’ sa Filipino fishing boat, 2 Chinese vessel; mangingisda hinahanap pa rin – PCG

MANILA, Philippines- Natukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sasakyang-dagat na hinihinalang bumangga sa fishing boat ng mga Pilipinong mangingisda sa katubigan ng Subic, Zambales.

Sa ibinigay na detalye ng PCG, dalawang bulk carrier ang bumangga sa Fbca Irish Mae kung saan sakay ang dalawang mangingisda.

Ayon pa sa PCG, hinihinalang Chinese vessels ang sangkot sa pagbangga sa fishing boat at ito ay ang Yong Fa Men at Mei Lan Hu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang search and rescue operation ng PCG -BRP Sindangan (MRRV-4407) sa nawawalang mangingisda na si Jose Mondonedo.

Nakipag-ugnayan na rin si CG Rear Admiral Aramand Balilo sa Indonesian Port State Control dahil ang hinihinalang dalawang Chinese vessel ay kasalukuyang nasa bisinidad ng katubigan ng Adang Bay, Indonesia.

“We have informed the Chinese Embassy in Manila regarding the incident. We will also write to the China Maritime safety Agency for their cooperation in the ongoing investigation,” sabi ni Balilo. Jocelyn Tabangcura-Domenden