Home NATIONWIDE Zyn nicotine pouches, makatutulong sa mga naninigarilyo na huminto

Zyn nicotine pouches, makatutulong sa mga naninigarilyo na huminto

MANILA, Philippines – IGINIIT ng dating mataas na opisyal ng US Food and Drug Administration na ang sumisikat na Zyn nicotine pouches ay nakatulong sa mas maraming American
smokers na huminto sa paninigarilyo.

“If we can convert more currently addicted adult smokers onto these modified risk products [Zyn nicotine pouches] that don’t have all the harms associated with combustion, we can achieve a substantial net public health benefit,” ayon kay Dr. Scott Gottlieb, isang American physician at dating komisyonado ng US FDA, sa isang
panayam ng CNBC.

Ang pahayag na ito ni Dr. Gottlieb ay bilang tugon sa lumalagong kasikatan ng Zyn nicotine pouches sa Estados Unidos na mabilis na nalampasan ang benta ng ibang
bansa sa loob lamang ng ilang buwan.

Ang Zyn nicotine pouches ay “smokeless oral nicotine delivery products,” at sinabi ni Dr. Gottlieb na ang transisyon ng mga adult smoker sa nasabing modified-risk
products ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa pampublikong kalusugan.

Sinabi pa ni Dr. Gottlieb na muling mapapainit nito ang usapan ukol sa harm reduction, bilang ang kawalan ng pagkasunog at usok sa mga produkto gaya ng nicotine pouches ay magagawa nitong kapaki-pakinabang na alternatibo sa combustible tobacco products na gumagawa ng usok, na siyang pangunahing dahilan ng mga smoking-related deaths, mga sakit at hindi ang nikotina.

Ang Tobacco harm reduction (THR) ay ipinagmamalaki ng mga eksperto bilang “scientific, evidence-based public health strategy;” na makatutulong sa milyong naninigarilyo na lumayo mula sa paninigarilyo.

Naniniwala naman ang mga eksperto na ang pagtaas ng access sa at pagtanggap sa modified risk products ay makatutulong na mapagaan ang pagkamatay at karamdaman na iniuugnay sa paninigarilyo, tinukoy ang mga mga bansang gaya ng Sweden, United Kingdom, at Japan, na may nakitang makabuluhang tagumpay sa THR.

Winika pa rin ni Dr. Gottlieb, na 28 milyong amerikano ang nananatiling naninigarilyo.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Prof. David Sweanor, isang karagdagang law professor sa University of Ottawa at nangungunang harm reduction advocate na maraming naninigarilyo ang lumipat na sa harm reduction products gaya ng vapes, heated tobacco, at nicotine pouches mula sa tradisyonal na sinusunog na sigarilyo.

“A fascinating aspect of the rapid transformation of the market is that Zyn is now a bigger seller than Copenhagen, Grizzly and Skoal,” ayon kay Prof. Sweanor, tinutukoy ang ibang smokeless tobacco brands.

Ang mabilis na paglaki at popularidad ng Zyn nicotine pouches sa Estados Unidos ay higit na iniuugnay sa social media, nagliliyab at nagpapatuloy na debate sa Estados
Unidos ukol sa pananaw sa mga nasabing produkto.

Iginiit naman ni Dr. Gottleib na mayroong papel para sa mga naturang produkto na ibinebenta sa mga adult smokers bilang transitional product malayo mula sa paninigarilyo subalit ang susi ay ang tamang regulasyon.

Sinabi pa niya na “a relatively new phenomenon by some self-winding people on social media,” ang social media platforms gaya ng Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, Youtube at Tiktok, ay maaaring marami ring magawa sa pamamagitan ng pagsali o makiisa na bantayan ang hindi naaangkop na advertising sa kanilang pamilihan. KRIS JOSE

Previous articleMakabayan bloc naghain ng resolusyon sa Kamara sa pagkilala kay Jaclyn Jose
Next article6 tiklo sa cara y cruz at shabu sa Caloocan