Home HOME BANNER STORY 19 nakaparadang sasakyan sa NAIA Terminal 3 natupok ng grassfire

19 nakaparadang sasakyan sa NAIA Terminal 3 natupok ng grassfire

MANILA, Philippines – Nasa 19 na sasakyan na nakaparada sa extension parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog sa sumiklab na grassfire na umabot sa P20 milyon ang halaga ang naging pinsala Lunes ng hapon, Abril 22.

Base sa inisyal na report ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang pagkalat ng apoy dakong ala 1:35 ng hapon sa mga natuyong damo malapit sa sa extension parking area ng NAIA Terminal 3.

Sa tindi na nararanasang init sa kasalukuyan ay umabot ang nadamay ang mga nakaparadang 19 na sasakyang nakaparada sa parking area.

Dagdag pa ng BFP na idineklara ang fire out dakong alas 2:03 ng hapon matapos maapula nag sunog ng dalawang rumespondeng fire trucks sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naturang sunog habang patuloy ang Pasay BFP sa kanilang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng pinagmulan ng apoy.

Ayon naman sa Manila International Airport Authority (MIAA), hindi naman naapektuhan ang operasyon ng NAIA Terminal 3 sa nangyaring sunog na tumupok sa 19 na nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa ng MIAA na isang pribadong concessionaire ang kasalukuyang namamahala sa nabanggit parking area na naapektuhan ng sunog. (James I. Catapusan)