Home HOME BANNER STORY Alamin: F2F class suspension sa sobrang init, Martes, Abril 23

Alamin: F2F class suspension sa sobrang init, Martes, Abril 23

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang mga face-to-face na klase para sa Martes, Abril 22, 2024 sa ilang lugar dahil sa sobrang init.

Kabilang sa mga local government units na nagsuspinde ng face-to-face classes para sa Martes, Abril 22 ay ang:

Pasay City: lahat ng antas – pampubliko at pribado mula Abril 23-24. Maaaring lumipat ang mga klase sa anumang alternatibong paraan ng pag-aaral.

Quezon City: Ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa Quezon City ay patuloy na magdaraos ng asynchronous classes sa Abril 23, 2024.

Pampanga: Walang Face to Face Class sa lahat ng antas, Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Abril 23, 2024. Suspendido din ang face to face class sa Angeles City.

Cagayan: Suspendido ang face to face classes sa mga munisipalidad ng Alcala at Gatttaran sa Cagayan mula pre-school hanggang high school om April 23 dahil sa matinding init na forecast.

Nueva Ecija: Ang Saint John Nepomucene Parochial School of Cabiao, Nueva Ecija ay nag-anunsyo na walang klase at walang school operations noong Abril 23 dahil sa NEECO advisory ng emergency power interruption. Magpapatuloy ang regular na operasyon ng paaralan sa Abril 24.

Pangasinan: Nag-anunsyo ang Dagupan City na walang face to face class sa mga pampublikong paaralan mula pre-school hanggang senior high school noong Abril 23 dahil sa heat index forecast na 44°C.

Albay: Sinabi ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman na suspendido ang face to face classes sa Abril 23 sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

RNT