Home NATIONWIDE Cedric Lee inilipat sa Bilibid

Cedric Lee inilipat sa Bilibid

MANILA, Philippines- Inilipat ang negosyanteng si Cedric Lee sa New Bilibid Prison (NBP) nitong Biyernes ng gabi, base sa ulat.

Dinala siya sa NBP sa Muntinlupa bandang alas-9 ng gabi ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City.

Hinatulang guilty ng Taguig court sina Lee, Deniece Cornejo at dalawang iba pa para sa serious illegal detention for ransom, ang kasong inihain ng actor-TV host na si Vhong Navarro.

Sumuko si Lee sa NBI noong Huwebes ng gabi, ilang oras matapos silang sentensyahan ng korte ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong.

Nauna nang dinala sa NBP si Simeon Raz habang si Cornejo ay dinala sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Sa NBP, dinala si Lee sa Reception and Diagnostic Center (RDC) kung saan pormal siyang inilipat sa NBI.

Nauna nang sinabi ng NBI doctor sa NBP personnel na mayroong high blood pressure si Lee.

“The most, nagkasakitan, nagkabugbugan dahil nang-rape siya [Vhong]. Hindi naman dapat masentensiyahan ng life imprisonment,” naunang pahayag ni Lee

Noong 2014, inakusahan si Lee at kanyang grupo ng pagbihag kay Navarro at pisikal na pananakit dito.

Samantala, March 2023 nang ibasura ng Supreme Court ang kasong rape at acts of lasciviousness laban kay Navarro dahil sa kakulangan ng ebidensya. RNT/SA