Home ENTERTAINMENT ‘Babae’ ni Philmar, bet nang sabihin ang totoo!

‘Babae’ ni Philmar, bet nang sabihin ang totoo!

Manila, Philippines – Naurirat si Andi Eigenmann sa isang panayam hinggil sa take nito sa umano’y pagkaka-link ng kanyang partner na si Philmar Alipayo sa isang negosyante at TikTok content creator.

Kumalat kasi noon ang viral video ng ‘landian’ umano ng surfer at ng businesswoman na si Crissa Liaging.

Pinabulaanan naman ito ni Andi at sinabing hindi totoo ang nasabing video.

Katunayan, may pahiwatig din si Andi na kilala niya si Philmar at ang tipo ng babaeng papatulan nito.

“I guess I know him well, I also knew what his type is,” ani Andi.

Sey pa niya, nagtitiwala rin daw siya na hindi siya magagawang lokohin ng partner.

“Ako kasi I don’t believe in picking possession over my partner. Like it’s still his life and he can do what he wants. Alam ko ang itsura kung sinasaktan ako or may ginagawa para saktan ako. Alam ko. We trust each other,”paliwanag niya.

Matatandaang noong pumutok din ang kontrobersya kina Philmar at Crissa ay nag-post si Andi sa kanyang IG ng patutsada sa huli.

Aniya: “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Pagkatapos naman ng pahayag ni Andi sa isang panayam, nabigyan na naman ng kulay ang kontra-patutsada ni Crissa sa kanyang IG post sa isang video.

Sa clip, nakasulat ang mga linyang: “Nakaka gigil sarap sabihin yung totoo!!!”

Dahil dito, nagkaroon tuloy ng mga haka-hakang hindi pa tapos ang silent feud sa dalawang babaeng sangkot kay Philmar. Archie Liao