Home ENTERTAINMENT BINI, may pasabog!

BINI, may pasabog!

Screenshot

Manila, Philippines – Walang duda na panahon ngayon ng sikat na girl group, ang BINI.

Patunay nito ang kanilang naganap na sold out concert recently sa New Frontier Theater na na-extend pa ng ilang araw.

Ngayon naman ay mukhang may pasabog na collab ang Bini at ang Puregold dahil sa video teaser na ipinalabas ng huli, na tila ipinapakita ang orihinal na musika ng Pinoy Pop girl group.

Dahil sa ipinakitang video teaser ng Puregold, daan-daang mga fans ang nag-comment ng kanilang pagkasabik.

“Nation’s girl group,” ngayon ang bansag sa BINI na nakuha ang puso ng nakararami sa mga viral nitong kanta gaya ng “Karera,” “Pantropiko,” at “Salamin,” na nangunguna sa mga chart at nakalikom na ng milyon-milyong stream sa iba-ibang socmed platforms.

Ang mga members ng BINI ay sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.

“Mostly, ang mga kanta ng BINI ay tungkol sa mga kuwento ng pag-ibig na nagsisimula, pag-e-enjoy, pagiging malaya, at pagtanggap sa sarili, kaya naman nagustuhan din daw sila ng Puregold dahil tinuturing na mahalaga ng company, lalo na pagdating sa mga kuwentong panalo na tinataguyod nito, ang pagkamit ng tagumpay dahil sa abilidad na maging matatag at tanggapin ang mga identidad,” sabi pa ng isang insider ng sikat na supermarket. JP Ignacio