Home NATIONWIDE Digong ‘hindi kontra’ kay PBBM

Digong ‘hindi kontra’ kay PBBM

DAVAO CITY- Inihayag nitong linggo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sumita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa political rallies sa Mindanao, na hindi siya kontra sa Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Barangay Pandaitan sa distrito ng Paquibato sa lungsod, ipinaliwanag din ng dating Pangulo kung bakit hindi niya inendorso si Marcos, running mate ng anak niyang si Vice President Sara Duterte sa 2022 elections.

“Ako dili ko oposisyon. Dili pud ko kontra ni Marcos,” wika niya noong Miyerkules.

(I am not in the opposition. I am not against Marcos)

Taliwas ang pahayag ni Duterte noong Miyerkules sa ilang talumpati niya, kung saan ipinahiwatig niya ang umano’y pagkakasangkot ni Marcos sa droga.

“I don’t need to pay any attention to that… The former president is a highly experienced lawyer. He should know that ad hominem attacks have no place in these kinds of discussions,” pahayag naman ni Marcos habang bumibisita sa Washington DC para sa summit kasama ang US at Japan.

Matatandaan ding kinondena ni Duterte si Marcos dahil sa pagtutulak ng pamahalaan sa Charter change, na ayon sa mga nagsusulong nito ay tututok sa economic provisions upang pasiglahin ang foreign investment.

Iginiit ni Duterte na hindi kailangang amyendahan ang 1987 Constitution. RNT/SA