Home NATIONWIDE 3 American sex offenders, ‘di pinapasok sa bansa

3 American sex offenders, ‘di pinapasok sa bansa

MANILA, Philippines – Pinagbawalang makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Amerikano na lumitaw sa rekord nila bilang “convicted sex offenders.”

Ayon sa BI, dalawa sa mga ito ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang ang isa pa ay napigilan sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Noong Abril 25, dumating si David Uland, 81, sa NAIA mula Taipei, Taiwan. Ayon sa BI, si Uland ay iniulat na convicted noong 1999 sa pangmomolestiya sa isang menor de edad.

Samantala, ang 64-anyos na si Peter Cruz ay dumating sa NAIA mula Guam at napag-alaman na convicted ng dalawang beses dahil sa sexual misconduct sa isa ring menor de edad.

Habang si Clarence Nique, 56, ay dumating sa MCIA mula Taipei, Taiwan. Si Nique naman ay convicted umano sa criminal sexual conduct in the second degree sa isang menor de edad.

Sa pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga ito ay pinabalik sa kanilang port of origin at hindi papayagang makabalik ng Pilipinas. RNT/JGC