Home NATIONWIDE DOF nabigyan ng World Bank standby fund pantugon sa krisis

DOF nabigyan ng World Bank standby fund pantugon sa krisis

MANILA, Philippines – NAKAKUHA ang Department of Finance (DOF) ng standby fund mula sa World Bank (WB) na maaaring gamitin sa panahon ng emergency o crisis situations.

Sa isang kalatas, inanunsyo ng DOF ang paglagda sa Rapid Response Option (RRO) agreement kasama ang World Bank Group (WBG).

Ang Pilipinas ang unang bansa na lumagda sa RRO agreement kasama ang Washington-based multilateral institution.

Ang RRO ay bahagi ng expanded crisis preparedness at response toolkit ng WBG na naglalayong tulungan ang mga bansa na kagyat na tumugon sa panahon ng krisis.

Pinahihintulutan nito ang mga bansa gaya ng Pilipinas na magkaroon ng access ng hanggang 10% sa kanilang unused funds sa International Bank for Reconstruction and Development para makatulong sa emergency response.

Sa panahon ng krisis, tinitiyak ng RRO agreement ang madaliang access sa pondo, magawa ng mga bansa na magbigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng “healthcare, shelter, at food without delay.”

“We greatly welcome the introduction of the Rapid Response Option, which significantly enhances our capacity to ensure economic security for the Filipino people,” ayon kay Finance Secretary Ralph Recto matapos ang signing ceremony noong Abril 20 sa Washington D.C.

“Through this, we can safeguard our hard-earned development progress, strengthen our resilience against shocks, and keep our development targets on track,” dagdag na wika ng Kalihim. Kris Jose