Home NATIONWIDE DOH kinalampag ng DBM: P91B health workers allowance ibigay na

DOH kinalampag ng DBM: P91B health workers allowance ibigay na

HINIKAYAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) na bilisan ang pagpapalabas ng P91.3 billion funds para sa public health emergency benefits at allowances ng mga healthcare workers.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, sa ngayon ay nakapagpalabas na ang DBM ng mahigit sa P91 billion na pondo para sa health emergency allowances (HEAs) para sa taong 2021 (P12.1 billion), 2022 (P28 billion), 2023 (P31.1 billion), at 2024 (P19.962 billion).

“Alam n’yo po, lalo na po ngayon sa administrasyon po ng Pangulong Bongbong Marcos, ang utos po sa akin, ilabas ang budget,” ayon sa Kalihim.

“Wala naman po tayong reason para i-hold ‘yung budget dahil gusto po natin makarating ‘yan nang mas mabilis sa mga kababayan natin. So, day 1 po, day 1 ng taon, ni-release ko na ang pondo sa mga Departments,” aniya pa rin.

Sa P91.3 billion budget, may P73.26 billion ang inilaan para sa HEA at isa naman para a Covid-19 allowance, at P12.90 billion para sa special risk allowance.

Samanala, may kabuuang P3.65 billion ang inilaan para sa Covid-19 sickness at death compensation, at P1.47 billion para sa iba pang benepisyo gaya ng “meal, accommodation, at transportation allowance.”

Tiniyak naman ni Pangandaman na tutulong sila sa paghahanda ng pondo para sa HEA kapag kinapos ang budget nito.

“Pinapangako po namin, dahil utos po ito ng ating Pangulo, na kung sakaling magkulang po, may source po tayo, ‘yung unprogrammed (appropriations). Kung magkulang din po ‘yan, anyway po, we’re doing the 2025 budget preparations now. If we get the exact amount po, hopefully po mailagay po namin lahat sa NEP po—National Expenditure Program—the President’s Budget for 2025,” aniya pa rin.

Ang Unprogrammed funds ayb “standby funds for unforeseen priority programs or projects that shall be released when revenue collection exceeds targets, and when additional grants or foreign funds are generated.”

Sa P5.768 trillion national budget ngayong taon, P731.4 billion ang inilaan para sa unprogrammed funds, tumaas ng P450 billion mula sa nakalipas na P281.9 billion.

Muling namang inulit ng Kalihim ang kahilingan nito sa Department of Health na isapinal na ang HEA mapping nito, na susubaybay sa mga ospital na hindi nakatanggap at hindi pa nakatatanggap ng kanilang HEA.

“Meron po tayong tinatawag na HEA mapping po sana. Para sana makita po natin ‘yung mga nabigyan at saka ‘di nabigyan, para mas madali po makita doon kung ano po ang magiging balanse natin,” aniya pa rin. Kris Jose