Home METRO Habang tumatagay, ginang patay sa nilagok na silver cleaner

Habang tumatagay, ginang patay sa nilagok na silver cleaner

MANILA, Philippines – PINANINIWALAANG lason ang nalagok ng isang 32-anyos na ginang na dahilan ng kanyang pagkasawi sa loob ng bahay sa Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila nitong Linggo, Abril 21.

Kinilala ang biktima sa pangalang ‘Precilla’ na may asawa at residente sa naturang lugar.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 5:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Una rito, napag-alaman sa mister ng biktima habang umano’y nakikipaginuman ang biktima at ang asawa nito, kasama ang isang lalaki, nang bigla umanong lumagok sa botelya ng nakamamatay na lason na silver cleaner.

Agad namang humandusay ang ginang kaya mabilis na isinugod sa Metropolitan Hospital at bandang 9:24 ng gabi nitong lunes nang ideklarang patay. Rene Crisostomo