Home NATIONWIDE Honasan tatakbong senador sa bagong partido; Lacson, Sotto aalukin

Honasan tatakbong senador sa bagong partido; Lacson, Sotto aalukin

MANILA, Philippines — Posibleng tumakbo sa Senado sa darating na midterm elections si dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan.

“Siguroon a scale of one to 10, [may posibilidad na] walo [to] nine [para] makabalik ako sa Senado,” sabi ni Honasan sa isang ulat sa pagkakataong panayam sa San Juan City.

Si Honasan ay naging senador mula 1995 hanggang 2004, at muli mula 2007 hanggang 2019.

Pinangunahan din ng dating senador ang paglulunsad ng bagong political party na tinatawag na Reform PH Party na binubuo ng iba pang miyembro ng Reformed Armed Forces Movement at Magdalo Party.

Sinabi rin ni Honasan na maaaring hilingin ng partido sina dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson at dating Senate President Vicente Sotto na sumama sa kanila. RNT